Information Available in Tagalog

Ang Tagalog na bersyon ng Website ng Government Economist ay naglalaman lamang ng aming mga pangunahing responsibilidad. Maaari mong makuha ang buong nilalaman ng aming website sa Ingles, Tradisyunal na Tsino, o Pinasimpleng Tsino.

Mga Pangunahing Responsibilidad

Ang Tanggapan ng Government Economist ay responsable sa pagbibigay ng pinakabagong impormasyon tungkol sa ekonomiya ng Hong kong para sa publiko, at magbigay ng pagtatasang ekonomiko at mga naaangkop na propesyunal na payo sa mga polisiya ng pamahalaan. Samakatuwid, nagsisilbi ito upang ----

(a)Magmatyag ng mga pagbabago sa ekonomiya at magsagawa ng mga regular na ulat at pagtataya sa ekonomiya;

(b)Magbigay ng mga pananaw at pagtatasa para sa proseso ng paglalaan;

(c)Magbigay ng propesyunal na payo tungkol sa mga paksang pang-ekonomiya sa mga kagawaran at kawanihan ng pamahalaan; at

(D)Suriin ang mga implikasyon sa ekonomiya ng mga polisiya ng pamahalaan, alituntunin, at mga proyekto.

Ang Tanggapan ng Government Economist ay nagpapanatili rin ng website ng Hong Kong Economy nang may pinakahuling sitwasyon sa ekonomiya.